Breaking News

Zumbahay : Libreng Zumba Sessions habang nasa Enhanced Community Quarantine ang Luzon

Dahil sa banta ng COVID-19 o Corona Virus ay nagsimula na noong ika-17 ng Marso, 2020 ang Enhance Community Quarantine dine sa atin sa Luzon kung saan napapaloob ang Probinsya ng Batangas.

Dahil dito, naapektuhan ang pagpasok ng ating mga kababayan sa trabaho at eskwelahan at ang lahat ay hinihikayat na manatili sa sari-sariling bahay para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang mga netizen ay tila buryong na buryong sa bahay at nais na din bumalik sa mga normal na buhay kaya’t sari sari na rin ang kanilang ginagawa para lamang malabanan ang inip. Hindi pa naman sanay ang mga Batangueño na tumitigil ng matagal sa bahay.

Ang ilan ay nag movie marathon, nagmukbang, maghapong nag browse sa social media at ang ilan ay hindi na nakatiis at tuluyan nang nag-tiktok.

Kakaiba naman ang naisip ng kapwa Lipeñong Zumba Instructors na si Homer Lalog, Jhayson Eguia at kanilang mga misis na ginamit ang Facebook Live para magbigay ng aliw at himukin ang ating mga kababayan sa pag eehersisyon. Parehas din silang Akmang akma naman ito dahil isa sa mga naaapektuhan ng COVID-19 Virus ay ang ating immune system partikular ang ating mga baga.

“Sobrang halaga po ng exercise na ito para sa atin kasi dahil sa COVID-19 halos lahat ay apektado ng stress at mahalaga din po sa atin ang magpalakas ng katawan. Layunin din naming ang makapagbigay aliw at kahit paano ay mabawasan ang mga dumarating na problema sa ating buhay”
– Homer Lalog | Dancer | Zumba Instructor

Patuloy pa din ang libreng Live Zumba tuwing alas-4 ng hapon sa sariling facebook account ni Homer Lalog.

Narito ang ilan sa kanilang live videos:


About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.