Breaking News

Lawa ng Taal, balik normal na

Kamakailan lamang any ginulantang tayo ng problemang kinaharap ng mga taga Talisay at ilan pang karatig bayan, ang fish kill. Ngunit kahapon, nang magawi kami sa bandang Talisay, mukhang balik normal na ulit ang lahat.

Kahapon din ay nakausap namin ang Tourism Officer ng Talisay na si Ms. Len Barba. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makapag tanong tanong.

Ayon kay Ms. Barba, nagsagawa na ang munisipyo ng pagdidismantle ng ilang fish cages na walang permits ilang linggo pa bago maganap ang lake overturn. Ito ay bahagi ng programa ng probinsya sa pangunguna ng DENR na siguraduhin na hindi hihigit sa allowed number of fish cages per town ang maitatayo sa kanilang bayan. Yun nga lamang, hindi madali ang pagsusuri ang aktuwal na laman at bilang ng isda sa bawat fish cages.

Ngunit nangyari na ang di inaasahan. Nagkaroon ng lake overturn na naging sanhi ng pagkamatay ng tone-toneladang bangus sa Taal Lake. Ang Lake overturn ay nangyayari kapag ang surface water ay nahaluan ng bottom water na maaring naglalaman ng kakaunting oxygen at mga elemento na maaring mapanganib sa mga isda (mga dumi ng isda, di natunaw na pakain o feeds). Nagaganap ito kapag may may malakas na pag-ulan, malakas na hangin, o kaya naman ay kapag may pagbabago sa temperatura ng tubig. Ayon sa Phivolcs at BFAR, Wala di umanong kinalaman ang volcanic disturbances sa pangyayari.

At sa kaso nga ng mga fish cages sa Talisay at ilan pang mga kalapit bayan, humigit ang bilang ng mga isda sa itinakda. At dahil sa lake overturn kung saan nagresulta sa pagkakaroon poor quality surface water, nagkaroon din ng oxygen depletion na marahil ay naging sanhi ng pagkamatay ng maraming isda.

Ngayon ay patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbabaklas ng mga natitirang fish cages na walang permit. Mapapansin na rin ang presensya ng ilang mga turistang namamasyal sa mga resorts sa Talisay.

Maaring walang turista sa volcano island, dahil sa nakataas na alert level II pero sa mga resorts sa Talisay, bumabalik na ulit sila. Sa totoo lamang ay wala nang dapat ikatakot ang mga turista. Malinis na muli ang lawa at wala nang amoy. Ayon kay Ms. Len ng Tourism Office, “Safe sa Talisay”

Para sa mga nais magpunta ng Talisay pero mga nag-aalala, ready na ulit ang itinuturing na one of the best lakes in the world for boating at ilan pang water activities.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Freshest Agri and Livestock Produce Available at Padre Garcia’s Pick & Go Farm

The “Cattle Trading Capital of the Philippines”, the Municipality of Padre Garcia, Batangas, has yet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.