Ngayon araw, ika-16 ng Setyembre ang simula ng 100 araw na countdown natin patungong araw ng Pasko. Kay bilis na hindi na natin napansin ang mga araw at tila kakapasko laang kamakailan ay magpapasko na muli.
Dahil diyan nais naming ipaalala na patuloy tayong mag ingat sa ating paglabas-labas dahil nariyan pa din ang banta ng COVID19. Sa pagpasok din ng buwan ng Setyembre ay utay utay na ang pag lamig ng simoy ng hangin na maaring magdulot sa atin ng pagkakaroon ng sakit tulad ng Sipon, Ubo, Hika at iba pa na pawang mga sintomas din ng COVID19.
Mahalaga ang patuloy na pagtakbo ng ating ekonomiya lalo’t higit upang mapondohan ang mga pangangailangan sa pagpapatakbo ng probinsya. Gayundin ang ating araw araw na pagkayod para sa pamilya pero mahalaga din na ating ingatan ang ating sarili sa pamamagitan ng pagpapalakas ng katawan, pagdadala ng proteksyong mula sa mga ganitong klase ng sakit at pagkain ng wasto.
Dahil sa panahon ngayon, ang ating malusog na pangangatawan at buhay ay malaking aguinaldo na sa darating na pasko.