Breaking News

103rd Taysan, Batangas Founding Anniversary Virtual Celebration | Tinindag Festival 2021

Taysan, Batangas | November 11, 2021

Hindi napigilan ng pandemya ang selebrasyon ng ika-103rd Founding Anniversary ng Bayan ng Taysan, Batangas noong ika-11 ng Nobyembre, 2021. Para sa kasiguraduhan ng kaligtasan ng mga Tayseño at makasunod sa mga protocols na itinalaga ng IATF ay pansamantalang virtual celebration muna ang pagdiriwang ng Tinindag Festival ngayong taon.

Ang kanilang Tinindag Festival ay isang taunang selebrasyon para ipagdiwang ang kasaganahan ng sektor ng agrikultura at ang tinindag na isa sa pangunahing produkto at kabuhayan ng mga Tayseño. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Hamon ng pandemya’y labanan! Ika-103 taong anibersaryo ng Taysan Bayan kong Mahal: Gunitain, Ikarangal, Ipagdiwang” na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagsunod sa protocols at disiplina upang labanan ng COVID19, Tinindag bilang pangunahing kabuhayan at patuloy na pagseserbisyo at pagtulong ngayong panahon ng pandemya.

Sentro pa rin ng pagdiriwang ang mga tindag at mga mga produktong ginagamitan ng tinindag. Kung nakagawiang noong mga nakaraang taon ang pagsasama sama at sabay sabay na pagkain ng lutong tinindag ay naging bara-barangay ngay’on ang pag sesetup ng mga tindagan para patuloy pa ring maenjoy ng mga tayseño ang Tinindag Festival ng may pag iingat at pagsunod sa IATF Health Protocols. Kasabay din nito ay ang pagpaaabot ng tulong pinansyal at ilang kagamitang magagamit nila sa kanilang kabuhayan ng Lokal na pamahalaan ng Bayan ng Taysan.

Bahagi rin ng selebrasyon ngayong taon ang Starseños Quarantinig Edition, isang online singing contest na nilahukan ng mga Elementary, Junior high and Senior high school student ng Taysan, Batangas.

Listahan ng mga nagwagi:
1st Place (P10,000) : King Joshua Gunay – Taysan Senior High School
2nd Place (P7,000) : Elyza Mae Comia (Pinagbayanan Integrated National High School)
3rd Place (P5,000) : Princess Pauline Santiago (Tilambo National High School)
People’s Choice Award (P2000) : Elyza Mae Comia
Best Tinindag Interpreter (P3000) : Roxylin Marie Florida

Mayroon ding Poster Making Contest kung saan nagtagisan ang mahuhusay na Tayseño Visual Artist sa dalawang kategorya.

Conventional Category :
1st Place (P10,000 + Plaque) : Janna Mae Villadarez
2nd PLace (P7,000 + Plaque) : Merald Otico
3rd Place (P5,000 + Plaque) : Jerome Delos Reyes

Digital Category :
1st Place (P10,000 + Plaque) : Eric Pondevida
2nd Place (P7,000 + Plaque) : Clarence Cuartero
3rd Place (P5,000 + Plaque) : Francis Marc Alcantara

People’s Choice Award (P2,000)
Conventional: Janna Mae Villadarez
Digital: Rozanet Portugal

Nagkaroon naman ng paligsahan sa pag indak sa pamamagitan ng isang Tiktok Dance o tinawag nilang Tinindance Tiktok Challenge kung saan nahahati sa apat na kategorya : DepEd, Barangay, LGU at Families.

Barangay Category:
1st Place (P10,000 + Plaque) : Brgy Guinhawa
2nd Place (P7,000 + Plaque) : Brgy Mabayabas
3rd Place (P5,000 + Plaque) : Brgy Poblacion East
People’s Choice (P2,000) : Brgy Guinhawa

Family Category:
1st Place (P10,000 + Plaque) : Untalan Family
2nd Place (P7,000 + Plaque) : Manalo Family
3rd Place (P5,000 + Plaque) : Asi Family
People’s Choice Award (P2,000) King Mercado & Family

DepEd Category:
1st Place (P10,000 + Plaque) : Taysan Senior High School
2nd Place (P7,000 + Plaque) : Tilambo Elementary School
3rd Place (P5,000 + Plaque) : Dagatan Elementary School
People’s Choice (P2,000) : Taysan Senior High School

LGU Category:
1st Place (P10.000 + Plaque) : Municipal Health Office
2nd Place (P7,000 + Plaque): Municipal Mayor’s Office
3rd Place (P5,000 + Plaque): Municipal Social Welfare and Dev’t Office
People’s Choice Award (P2,000): Municipal Engineering Office

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.