Labingwalong naggagandahan floats ang nagtagisan ng pagandahan noong ika-16 ng Marso, 2019 sa Tanauan City, Batangas na ipinagdiriwang bilang parte ng 434th founding anniversary bilang bayan at 18th cityhood anniversary. Iba’t ibang mga establisyemento, organizations, hospitals at commercial businesses ang nakikilahok dito taon taon. Nagsisimula ang parada sa Waltermart Tanauan patungo sa Bagong City Hall ng Tanauan sa Laurel Hill, Barangay Natatas kung saan sasayaw ang mga street dancers.
Inaabangan ito ng mga Tanaueño taon taon dahil sa magagandang floats at streetdancers na sumasayaw sa kakalsadahan suot ang makukulay at kumukutitap na kasuotan.
Isa si Apolinario Mabini sa mga inspirasyon ng Parade of Lights dahil siya ang nagbigay liwanag noong nasa panahon ng karimlan ang ating bansa sa pamamagitan ng kanyang angking talino at paninindigan, ay patuloy na sinusuportahan at pinagyayaman.
Ilan sa mga float ay inspired sa float ng nanalong Ms Universe na si Catriona Gray, Disney Characters atbp.
Best Float
1. TJ Marc Sales Corporation (Citimart)
2. C.P. Reyes Hospital
3. LYRR Realty Development Corporation
Most Attractive Design
1. TJ Marc Sales Corporation (Citimart)
2. C.P. Reyes Hospital
3. LYRR Realty Development Corporation
Best in Special Effects
Victory Mall and Market Tanauan
Best in Craftsmanship
Daniel Mercado Medical Center
Best in Street Dance, Best in Costume, Best in 5-Minute Dance
DMM Institute of Health Science, Inc
Tanauan Institute, Inc
Larawan ni Joel Mataro at Roderick P. Lanting