Noong ika-29 ng Enero ay nagtipon-tipon ang mga alkade, local government units, business owners at mga estudyante sa Batangas Ballroom, LIMA Park Hotel upang talakayin ang Turismo at mabilis na pagbabago ng panahon at kung paano masusulusyunan ito.
Isa sa mga mainit na paksa ngayon ang mabilis na pagbabago ng Panahon. Isa ito sa mga kadahilanan ng pagbaba o pagtaas ng dami ng turista sa isang lugar. At isa ito sa mga tinututukan ng 8th North Batangas Summit.
Ilan sa mga nagbahagi ng kaalaman ay sina Donna Lyne Senidad (Climate Change Commission), Ms. Rosalind M. Landicho (Vice-President, FAITH), Ms. Rebecca Labit Regional (Director, Department of Tourism), Hon. Carlito DP. Reyes, MD (Mayor, Municipality of Malvar), Mr. Saturnino G. Belen (Chairman, First Asia Venture Capital).
Pagkatapos ng pagbabahagi ng kaalaman ng mga naturang tagapagsalita ay sinundan ito ng isang Round Table Discussion upang masagot pa ang ilan pang katanungan mula sa twitter, estudyante at mga LGU’s.