Breaking News

Ang Bukayo sa San Nicolas

Isa sa mga magandang puntahan dine sa Lalawigan ng Batangas ay ang Baywalk ng San Nicolas, Batangas. Kung saan iyong matatanaw ang Bulkang Taal kasabay ng malamig at preskong simoy ng hangin dine.

Kuha ni Sid Dasalla

At sa aming pamamasyal nito lamang linggo ay nakilala namin ang isang lokal na si Adrian Reyes, isang maglalako ng Bukayo (Isang Filipino Sweet Delicacy) sa nasabing Bay walk.

Kuha ni Sid Dasalla

Ang Bukayo ay isang Panghimagas na nag umpisa sa Lingayen. Ito ay gawa sa pinakulo at binurong kinayod na laman ng buko at sabaw nito hanggang sa ito’y lumagkit bago hulmahin sa pabilog ng hugis at pinahihinga hanggang sa tumigas at handa nang kainin.
Mula sa: www.angsarap.net/2013/01/16/bukayo/ ni Raymund | Isinalin sa wikang Filipino ni Sid Dasalla

Kuha ni Sid Dasalla

Kinasanayan na natin ang bilog na hugis ng Bukayo kung kaya naman kami ay namangha sa klase ng inilalakong Bukayo ni Adrian, kung saan ito ay nakalagay sa isang kahon gawa sa pinatuyong dahon ng saging na mayroong 9 (siyam) na pirasong laman na binukod gamit ang kapiraso ding dahon ng saging at para sa mas masarap na lasa ay may kasama itong langka na siyang nag tatanggal ng umay at
pang bawas ng tamis nito.

Kuha ni Sid Dasalla

Sobrang sarap at tunay nga namang nakakatutuwa itong kainin!

Matamis ngunit hindi nakakaumay!

Kuha ni Sid Dasalla

Kung kaya, sakaling mapapadaan kayo sa Bay Walk ng San Nicolas, tikman niyo ang Bukayong ito. Mura na masarap pa!

Sinulat at sinaliksik ni: Sid Dasalla

About multimedia

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.