Breaking News

Bridge of Promise at STAR-SLEX link, bubuksan na!

“ Magkasabay na bubuksan sa publiko sa June 15,2010 ang dalawang major infrastructure development sa Southern Tagalog- ang STAR-SLEX link at ang Bridge of Promise sa Batangas City.”

Ito ang naging pahayag ni Batangas Congressman Hermilando Mandanas matapos ang isinagawa nitong inspection sa nabanggit na mga proyekto kamakailan. Si Mandanas ang Chairman ng Committee on Southern Tagalog Development sa Kongreso.

Ayon kay Congressman Mandanas, pangungunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pormal na pagbubukas ng halos 8 Kilometrong highway na magdudugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) at Southern Tagalog Arterial Road.

“Napakalaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga byahero mula at patungong Maynila at Southern Tagalog. Maiiwasan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa lansangan ng Calamba at Sto.Tomas, Batangas. Umabot sa mahigit 1 Bilyong Piso ang ginugol para sa naturang proyekto.”

Samantala, pinuri naman ni Mandanas ang Department of Public Works and Highways sa katauhan ni District Engineer Winifredo Olores sa 6 months record time na pagkakatapos ng Bridge of Promise na nagdudugtong sa malalaking kumpanya gaya ng Shell, JG Summit, Purefoods, Kepco, Fortune Cement, SM Mall at iba pa sa lungsod ng Batangas. Kasabay itong bubuksan sa publiko sa June 15, 2010, bago bumaba sa pwesto si Pangulong Arroyo sa June 30.

Ang steel components ng bagong Bridge of Promise na may habang 60 meters na ginawa ng Austrian company na Waagner Biro Inc. ay ipinatong sa magkabilang 22.5 meters na concrete abutment. Tinatayang umabot ng may P150 milyong piso ang nasabing proyekto.

Ulat Mula kay: Tito Aguirre

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

No comments

  1. very good.. job well done batanguenos… malaking ginhawa na ulet pra sa mga taga bats city, lalo na sa mga studyante at empleyado na maagang pmapsok sa kniknilang duties, at lalo na sa mga business development ng Buong bayan… *two-thumbs-up*

    Mabuhay!!!

  2. very good.. job well done batanguenos… malaking ginhawa na ulet pra sa mga taga bats city, lalo na sa mga studyante at empleyado na maagang pmapsok sa kniknilang duties, at lalo na sa mga business development ng Buong bayan… *two-thumbs-up*

    Mabuhay!!!

  3. jobert sucaldito

    yahooo!! eh di ok na ok yun! ang bilis na ng byahe…di katulad dati, laging trapik sa turbina at sto tomas! araw-araw na lang, laging may aksidente..ayos yan pagnagkataon… almost isang oras din ang mititipid kapag pwede ng dumaan dito..yehey! mabuhay ka gerlie! 🙂 ang cute pa ng smile mo….yehey ulit!

  4. jobert sucaldito

    yahooo!! eh di ok na ok yun! ang bilis na ng byahe…di katulad dati, laging trapik sa turbina at sto tomas! araw-araw na lang, laging may aksidente..ayos yan pagnagkataon… almost isang oras din ang mititipid kapag pwede ng dumaan dito..yehey! mabuhay ka gerlie! 🙂 ang cute pa ng smile mo….yehey ulit!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.