Sinimulan na ang pagkakabit ng cobble stones sa ilang bahagi ng daan sa Taal, Batangas.
Angkop na angkop ang disenyong ito sa “Heritage Town” na syang taguri sa Bayan ng Taal. Ilang bahagi na nasimulan nang ayusin ay ang daan sa harap ng Taal Basilica, Taal Plaza, paligid ng munisipyo at paligid ng mga ancenstral houses.
Ayon sa Municipal Engineer ng bayan ng Taal, nasa 2,484.21 sqm ang buong sukat ng mga daanang papalitan ng Cobble Stones.