Breaking News

Endangered Tawilis at kung paano tayo makakatulong upang di ito tuluyang mawala

Ang Tawilis o Bombon Sardines ay ang kaisa-isang Fresh Water Sardines sa buong mundo at TANGING dito lamang sa Taal Lake ito matatagpuan. Ngunit bunga ng Overfishing, Pollution at Predation ay idineklara na itong “Endangered” ng International Union for Conservation of Nature o IUCN.

Isa ito sa mga paboritong dayuhin ng mga turista sa atin at isa din sa mga kilalang isda dine sa atin.

Ito ang ilan sa paraang kung paano makakatulong ang simpleng Batangenyong tulad natin.

1. Tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa pagiging Endangered Species ng Tawilis. Ipaalam mo ito sa iyong pamilya, kaibigan, kamag anak at mga kakilala.
2. Maging responsable sa pagtatapon ng Basura hindi lamang sa Taal Lake kundi kung saan man tayo naroroon.
3. Ireport ang mga iregularidad, maling gawi at Overfishing sa Taal Lake sa kinauukulan.
4. Makiisa sa mga proyekto at organisasyong naglalayong makatulong sa konserbasyon ng Taal Lake.
Ito ang ilan sa mga Organisasyong katulong natin sa konserbasyong ng Taal Lake:
Taal Volcano Protected Landscape
Pusod Taal Lake Conservation Center

Note : Ang artikulong ito ay patuloy naming ia-update para sa mga iba pang detalye.

Sources : Marine Wildlife Watch of the Philippines
International Union for Conservation of Nature

Tunghayan ang ispesyal na feature ng Born to be wild ng GMA 7 tungkol sa Tawilis.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

4 comments

  1. Wag na po magpakawala ng ibat ibang uri ng yaman dagat sa lawa ng taal tulad po ng mga sumusunod pangasius, pawikan, imelda (big head) janitor fish. Dhil cla po ang kumakain ng maliliit na isda tulad ng tawilis.
    Ipagbawal na din po ang paghuli o tinatawag na LITAW na ang tanging nahuhuli po ay mga inahin na tawilis na nagbubuga ng semilya sa baybayin ng taal lake. Karaniwan o madalas pong makikita natin ang paraan ng panghuhuling ito (LITAW) sa bayan ng Balete, Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Tanauan at Talisay…

  2. Mas may impact kung ititigil muna pansamantala ang consumption ng tiwilis at hayaang maka-recover muna ang fish stock.

    • Mas mainam ho siguro kung parehas ititigil ang consumption ng tawilis at panghuhuli nito. Malaking bahagi din ho nito ang nawawala dahil kinakain ng mga invasive species tulad ng tilapia kaya hindi lamang po ang consumption nito ang kailangan itigil.

  3. Juan A. Ordoño Jr.

    Stop muna ang fishingpara maka recover muna at makapag padami ang mga isda!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.