Breaking News

Executive Legislative Agenda Pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
PRESS RELEASE
September 9, 2010

2010-2013 Executive Legislative Agenda pinagtibay na ng Lalawigan

BATANGAS - Pormal ng pinagtibay ang binuong Executive and Legislative Agenda (ELA) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na naglalayong pagpapalakas ng pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayang Batangueno.

Ang pagpapatibay ng ELA ay pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos Recto noong ika-9 ng Setyembre 2010 na kinatampukan ng Alliance Building Forum kaharap ang mga Punong bayan ng lalawigan at mga kinatawan opisyal ng ibat-ibang national government agencies mula sa region 4-A (CALABARZON).

Naging tampok sa pagtitipon ang paglagda sa pledge of commitment and support mula sa Sangguniang Panlalawigan at ibat-ibang ahensya nasyunal para sa ELA na naglalayong pag-ibayuhin ang serbisyo publiko na kinapapalooban ng 5 mahahalagang sector tulad ng administratibo, ekonomiya, pangkalikasan at kapaligiran at panlipunan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ng makapagbigay at makapagbahagi ng kanilang programa ang mga regional agency representatives sa harap ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng kanilang program na direktang makakatuwang at tutulong sa pagsulong ng epektibong layunin ng Pamahalaang lalawigan ng pinag-ibayong ELA.

Nagkaroon din ng pag paglalatag at pagpapahayag ng mga programang naisagawa at naihatid na ng pamahalaang lalawigan sa publiko.

Ang Executive Legislative Agenda ay binalangkas noong Agosto na nagnanais na mapalakas at mapagtibay ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga departamento nito ng kapasisdad at karagdagang kaalaman sa pagsusulong ng programang pangkaunlaran kaakibat ang mga hakbang leheslatibo na kaakibat nito.

Sa kanyang mensahe pinasalamatan ni Governor Vilma Santos-Recto ang mga Mayors at kinatawan ng Regional Agencies na binubuo ng sektor ng Edukasyon, Kalusugan, Agrikultura, Transportasyon, Kalakalan, Katarungan at Karapatan ganun din sa Batas at Seguridad.

Sinabi nito ang "matibay na ugnayan at pagtutulungan ang kailangan upang ang lahat ng magandang adhikain sa pagpapatupad ng malinis na paglilingkod bayan para sa Sambayanang Batangueno ay makamtan". /Edwin V. Zabarte/PIO

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.