Breaking News

Fire Safety Awareness Campaign, Isasagawa

Kaugnay ng paggunita ng Fire Prevention Month ngayong Marso, target ng Bureau of Fire Protection sa Batangas City ang mga malalaking paaralan mula pre-schoolers hanggang college upang pag-dausan ng malawakang fire safety awareness campaign.

Ang kampanyang ito na maiwasan ang sunog ay tinaguriang Kiddie / Junior Fire Marshall at isinasagawa ng BFP sa pagpapatupad ng Vigilance Against Disaster (VAD) Program ng Office of the City Mayor.

Ayon kay City Fire Marshal Geranndie Agonos, layunin ng gawaing ito na maagang maipamulat sa mga kabataan ang mga pamamaraan upang maiwasan ang sunog kung saan pangunahing dahilan nito ay ang paglalaro ng posporo ng mga bata. Ang mga nawalang buhay at ari-arian aniya ay naiwasan sana kung nabigyan ng tamang edukasyon at pagsasanay ang mga kabataan tungkol sa fire safety.

Sa unang bahagi ng naturang programa ay magkakaroon ng lecture at film showing sa mga paaralan at ang ikalawang bahagi naman ay ang practical application ng mga natutunan kung saan magkakaroon din sila ng pagsusulit.

Bukod dito, nakatakda ding magkaroon ng Urban Fire Olympics o UFO sa BFP CALABARZON sa Camp Vicente Lim sa Calamba City sa katapusan ng buwan na lalahukan ng mga bumbero at fire volunteers.

Ilan sa mga paligsahan na paglalabanan ay ang bucket relay, “saving private ryan” o pagsagip ng biktima at iba pang fire fighting contest na nangangailangan ng skills, bilis at husay ng mga bumbero.

Samantala, ipinabatid ni Agonos na sa buwan ng Pebrero ay may 20 grass fire ang nangyari sa barangay Alangilan at Tingga ditto sa lungsod.

Nagbigay siya ng babala upang maiwasan ang grassfire at sunog sa mga kabahayan. Hiningi din niya ang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan sa mga programa ng kanilang tanggapan.

Ulat mula kay: Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City

[tags]Fire Prevention Month, Batangas, Batangas City, Sunog, Fire Safety, Awareness Campaign, Fire, Safety tips, campaign, Mayor Dimacuha[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

No comments

  1. Ngayong panahon ng taginit, talgang mataas ang antas ng sunog. Pag tuyong tuyo ang mga kahoy, ang kindling point nito ay lubhang sensitibo sa apo’y kaya naman madaling magliyab. Sa mga kababayan ko sa Batangas sundin po natin ang mga pinaguutos ng local na pamahalaan upang maiwasan ang sunog. Kung lahat lamang tayo ay makikiisa, siguradong maiiwasan ang sunog. Ang Isinagawang Fire Awareness Campaign ay isa lamang unang hakabang upang lalong mapataas ang antas ng kamalayan nating mga Batangueño tungkol sa sunog.

  2. Ngayong panahon ng taginit, talgang mataas ang antas ng sunog. Pag tuyong tuyo ang mga kahoy, ang kindling point nito ay lubhang sensitibo sa apo’y kaya naman madaling magliyab. Sa mga kababayan ko sa Batangas sundin po natin ang mga pinaguutos ng local na pamahalaan upang maiwasan ang sunog. Kung lahat lamang tayo ay makikiisa, siguradong maiiwasan ang sunog. Ang Isinagawang Fire Awareness Campaign ay isa lamang unang hakabang upang lalong mapataas ang antas ng kamalayan nating mga Batangueño tungkol sa sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.