Talisay, Batangas | Oktubre 31, 2019
Ika nga nila “Pagkatapos ng malakas na ulan ay mayroon laging bahaghari.” na syang pinakamagandang maihahalintulad sa naganap na Talisay Mardigras 6 na may temang FUNtasy Rainbow Parade.
Ang Talisay Mardigras ay isa sa mga programa ng Bayan ng Talisay na nagsimula lamang sa isang simpleng costume party ng mga tauhan ng Munisipyo at ngayo’y naging taunang programa na nila bago sumapit ang Undas. Taon taon ay nag iiba ang tema nito at ngayong taon ay napili nilang ang “FUNtasy Rainbow Parade” upang bigyang halaga at ipakita ang mainit na pagtanggap at paggalang ng munisipalidad sa mga kababayan nating bahagi ng sektor ng LGBT.
Hindi napigilan ng malakas na ulan ang pagrampa ng tatlumpong (30) kalahok mula pa sa iba’t ibang bayan suot ang kanilang kakaiba at makukulay na kasuotan.
Listahan ng mga nagwagi:
Kids Category:
Champion: Penelope Vicente
2nd Place: Princess Chelsea Agno
3rd Place: Patrick Mendoza
Individual Category:
Champion: Rommel Samiano
2nd Place: Jules Ryan Fernando
3rd Place: Izzy Molinyawe
Pitong grupo naman mula sa LGBT sector ng iba’t ibang barangay ng Talisay ang nagtagisan sa pagsayaw na may kanya kanyang tema. Tuwang tuwa ang mga manunuod sa kamangha manghang costume at production number na kanilang ipinakita.
Listahan ng mga nagwagi:
Champion: Barangay Aya
2nd Place: Barangay Poblacion
3rd Place: Barangay Banga