Dahil sa ECQ na hatid ng COVID19, nalimitahan tayo sa ilan sa mga nakasanayan nating bagay tulad ng paglabas ng bahay, pagbili ng mga gamit at supplies, kontrolado na din ang dami ng produksyon ng mga ito.
Malaking bahagi din sa atin ay hindi kumikita ng tulad ng dati at pansamantalang nahinto sa pagtatrabaho. Dahil dito maaring kapusin din ang ating budget para sa pang araw araw nating pangangailangan.
Isa sa mga nakikitang sagot ng ating mga kababayan ay ang pagtatanim na itinuturo na sa atin simula pa lamang ng tayo’y mga elementarya.
Isang magandang halimbawa ang Mini Vegetable Garden ni Kuya Dario Maunahan, isang magsasaka mula sa Tanauan Batangas. Sinimulan na nya magtanim mula pa noong pumutok ang bulkang Taal bilang paghahanda at ngayong nagkaroon ng Lockdown dahil sa COVID19 ay napapakinabangan na nila ang bunga nito.
Gumagamit sya ng mga plastic containers, bunot at kahon bilang mga taniman. Ilan sa kanyang mga tanim ay Petchay, Mustasa, Talong, Kamatis Sili atbp. Nag aalaga din sya ng 45 Days na manok na pwede ring dagdag kita ngayong panahon.
Kahit walang matatanimang lupa sa inyong bakuran, maaari pa rin kayong magtanim ng mga gulay na makakain lalo na at may ECQ.
Paborito naming panoorin sa Youtube ang hack na ito gaya na lang ng channel ni Don Bustamante Rooftop Gardening. Kahit nasa lungsod, pwedeng magtanim at umani!
I-click ang link para sa kanyang Youtube Channel