Breaking News

Gandarra! Ang Batangueñang Tiktoker ng Laurel, Batangas

Isa ang Laurel, Batangas sa mga Bayan ng Batangas na tinamaan ng sunod-sunod na sakuna. Noong una’y ang pagsabog ng Bulkang Taal, ASF at ngay’on nama’y ang lockdown na dulot ng COVID-19.

Gayun pa man ay patuloy lamang ang buhay ng mga taga-Laurel at ang pag ngiti lalo’t may namumukod tanging mga Batangenyo Themed Tiktok Videos na hatid ng kanilang kababayang si ” Kevin Philip” o mas kilala nila bilang si “Gandarra”

Tunay namang ika’y mauutas sa pagtawa sa kanyang mga kwento at mapapangiti ka sa pag gamit nya ng “Puntong Batangas”.

Ilan sa kanyang Tiktok Videos ay umabot na ng daan-daang libong views sa Tiktok at Facebook na udyok lamang sa kanya ng kanyang mga pinsan noong una. Isa pang nakatutuwa ay nagsisilbi sya bilang isang Frontliner dahil isa siyang Staff ng Punong Bayan ng Bayan ng Laurel at ang kanyang mga video ay mula din sa kanyang pang araw araw na nararanasan habang namimigay ng ayuda.

Para sa kanya’y nakakatanggal din ng pagod ang pagbibigay halaga ng mga tao sa kanyang mga Tiktok Videos. Sa katunayan, sa tuwa ng iba nyang kababayan at nag iiwan ang mga ito ng notes ng pasasalamat habang sila’y namimigay ng ayuda.

“Kahit wala ako sa harap ng camera masaya akong nagbabahagi sa kanila ng aking totoo at nakakahawang ngiti para ng sa ganun ay makapagbigay ako ng positibong pananaw sa ating mga Kabalaybay sa kabila ng ating pinagdadaanan. Mahirap maging Frontliner pero mas mahirap na may tungkulin ka pero wala kang ginagawa para sa ating bayan .”

Tunghayan ang ilan sa kanyang mga Tiktok Videos:

@gandarrakevianafi

Sanggre Ka gHorL? 😂😂 ##fypage ##foryou

♬ original sound – Gandarra Keviana Fil
@gandarrakevianafi

Naku ngaaa! Pala’y gay on! 😂😂😂 ##foryou ##fyp ##tiktok ##trending

♬ original sound – Gandarra Keviana Fil

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.