Breaking News

Kakaibang Virtual Graduation sa panahon ng Pandemya

Dahil sa pandemyang dulot ng COVID19, isa sa lubhang naapektuhan ang sektor ng edukasyon. May ilang eskwelahan ngang ipinagpatuloy na ang pag aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga online platforms at kanya kanya na rin ng paraan kung paano idaraos ang pagtatapos ng mga mag aaral.

Ang kwento ng pagtatapos sa Grade 12 ng kanyang panganay na anak naman ang masayang ibinahagi ni Kuya Imman, isang vlogger at OFW mula sa Mabini, Batangas sa kanyang vlog nitong nakaraang buwan ng Hunyo. Anim na taon na syang Security Officer sa Saudi at nitong Pebrero sya umuwi at dahil sa pandemic ay naabutan sya ng lockdown at pansamantalang hindi nakabalik sa kanyang trabaho sa ibang bansa.

Dahil dito, sa unang pagkakataon ay makakadalo sya sa pagtatapos ng kanyang mga anak dahil ilang beses na ding hindi natataon ang kanyang bakasyon sa mahalagang pangyayaring ito sa kanilang buhay.

Magtatapos sa Senior High School ang kanyang panganay na anak sa strand na General Academic Strand. Bagaman Online Graduation ito sa pamamagitan ng Zoom App ay bisteng biste pa din ang porma nila na animo’y aattend ng normal na School Graduation. Ipinaranas din nila sa kanilang anak ang pagsasabit ng medalya at pag abot ng diploma.

Para kay Kuya Imman, hindi man ito ang normal na graduation ay masaya sya na naging bahagi sya ng pambihirang pagkakataon ito. Aniya, simula pa lang ito ng mga bagay na pagdadaanan pa ng kanyang anak at mahalaga na ang mga aral sa eskwelahan ganun din ang mga aral na kanilang makukuha mula sa tunay na buhay at turo ng mga magulang.

Sadyang para sa atin mga magulang ay importante ang masaksihan ang pagtatapos ng kanilang mga anak dahil ika nga ay isa ito sa mga pamanang hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga at tanda ng walang hanggang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak.

Panuodin ang buong vlog dito:

Youtube Channel : Ang Supremo Vlogs

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.