Breaking News

Kampayga’s Banderitas Contest sa Cuenca, Batangas

2017 ng magsimula mabuo ang Kampayga na ang layunin ay maibalik ang mga nakaugaliang kultura at tradisyon sa Munisipalidad ng Cuenca, Batangas. Ang “Kami’y pag-asa, yaman at gabay” o “Kampayga” ay pinangungunahan ito ni Villalon Dizon (Founder) at Jhun Cortez (Advisor). Binubuo ito ng mahigit sa (100) isang-daang miyembrong puro Cuenqueños. Inspirasyon nila ang grupong “Anak magbubukid” na syang nagpapasimuno ng mga kaganapan noon sa Munisipalidad ng Cuenca.

Ilan sa mga proyekto nila ay ang pagbibigay ng regalo sa mga kabataan tuwing pasko, libreng pakain tuwing simbang gabi at taunang Flores De Mayo. Ang pondo nito ay nagmula sa mga donasyon ng mga kaibigan, kakilala, cuenqueño at sariling bulsa ni Mr. Villalon Dizon at Jhun Cortez.

“Taon-taon napapansin namin na nababawasan na yung saya at kulay yung Pista ng San Isidro Labrador. Naisip naming na sa halip na 1 day activity eh gawin naming pangmatagalan yung aming ginagawa para na din sa kasiyahan ng mga mamamayan at maging involve ang mga kabataan. Kaya isa sa naisip namin ang banderitas contest at disyembre pa lang ay sinimulan na naming ito.”
– Villalon Dizon (Founder)

Labing apat na participants ang nakilahok na binubuo ng 15 grupo sa Kampayga’s Banderitas Contest. Ang bawat entries ay may kanya kanyang tema. Mayroong Maskara Festival, Garden of Eden, LGBT at iba pa na maaring manalo sa mga sumusunod na kategorya:

Daytime Decoration Grand Winner : P30,000
2nd Prize : P25,000
3rd Prize : P20,000
Night Decoration Grand Winner: P20, 000
2nd Prize: P15, 000
3rd Prize: P10, 000
Consolation Prize: P5, 000

Matatagpuan ang mga banderitas sa B. Laqui Street, Cuenca, Batangas. Bukas ito sa publiko para kumuha ng larawan sa bawat sulok nitong tunay namang magandang selfie spot. Sa ika-15 ng Mayo, 2019 ang itinakdang araw para sa awarding ng mga nagwagi sa banderitas contest.

Nagkaroon din ng Mural Painting contest na nilahukan ng 4 Youth Groups at 3 Adult Groups na lumikha ng mga pambihirang mural paintings.

Inaanyayahan din ang lahat na manuod ng taunang Flores De Mayo sa May 26 kung saan libre din ang tinapay at sopas para sa lahat.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

BatStateU sets up first Metal and Engineering Innovation Center in the Region

Batangas State University- Malvar Campus is once again leading engineering innovations in CaLaBarzon as it …

One comment

  1. VILLALON P. DIZON

    WE ARE HOPING TO CONTINUE THIS FESTIVAL YEAR BY YEAR. WE WOULD LIKE TO EXTEND OUR UTMOST THANKS & GRATITUDE TO ALL SPONSORS & CONTESTANTS WHO MADE THIS PROJECT. WITHOUT THEM WE WILL BE IN TOTAL LOST & SUCH WAS IMPOSSIBLE. THIS WAS A TEST & WE ARE HAPPY TO SAY THAT WITH GODS HELP & SUPERVISION WE WERE ABLE TO FULFILL OUR MISSION. MABUHAY PO TAYONG LAHAT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.