Kahapon ika-26 ng Abril 2015, bilang parte ng pagdiriwang ng ika-250th Taon ng Pagkakatatag ng San Jose, Batangas ay idinaos ang Lakan at Mutya ng San Jose 2015 sa Edgardo II, Umali Social Hall, kung saan nagtagisan ng kagandahan at kakisigan ang dalawampu’t anim na kalahok mula sa kanya kanyang barangay. Bitbit ang tiwala sa sarili at lakas ng loob ay pinatunayan ng bawat kalahok na karapat dapat sila bilang representante ng kanya kanyang barangay.
Napuno ng hiyawan at palakpakan ang loob ng gymnasium sa lakas ng suporta ng mga mamamayan ng bawat barangay sa kani-kaniyang kandidata. Isang patunay lamang sa mainit na suporta ng mga mamamayan ng Bayan ng San Jose Batangas sa mga proyekto at events na inorganisa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayan ng San Jose. Hindi na halos mahulugang karayom ang loob ng Gymnasium ngunit gayun pa man ay matyaga pa ding naghintay ang lahat sa pag aanunsyo ng mga kalahok na nagkamit ng gantimpala.
Listahan ng mga nagkamit ng Gantimpala:
Mutya ng San Jose 2015 – Joanne Ilagan (Brgy. Poblacion)
Lakan ng San Jose 2015 – Renen Ilagan (Brgy. Poblacion)
Mutya ng Turismo 2015 – Dianne Claire Tiu (Brgy. Lalayat)
Lakan ng Turismo 2015 – Carlo Virtucio (Brgy. Banay-Banay I)
Mutya ng San Jose 1st Runner Up – Nikka Cara (Brgy. Bigain I)
Lakan ng San Jose 1st Runner Up – Ceejay Dimayuga (Brgy. Galamay Amo)
Mutya ng San Jose 2nd Runner Up – Mae Joie Mapalad (Brgy, Don Luis)
Lakan ng San Jose 2nd Runner Up – John Vincent Bautista (Brgy. Taysan)
Mutya ng San Jose 3rd Runner Up – Patricia Manimtim (Brgy. Balagtasin I)
Lakan ng San Jose 3rd Runner Up – Wilmer Marquez (Brgy. Dagatan)