Idiniklara ni Batangas Governor Vilma Santos Recto na ang huling Biyernes ng bawat buwan ay itinakdang araw ng paglilinis sa buong lalawigan.
Sinimulan noong Setyembre 28, ang CLEAN UP DAY ay pormal na gagawan ng ordinansa sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan na kasalukuyang sumasailalim sa consultative fora sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office (PHO).
Ang nasabing proyekto ay isinagawa sa pangunguna ng PHO at inilunsad upang labanan ang dengue. Maraming residente ang na-engganyo sa nasabing proyekto kabilang ang mga barangay officials, volunteers at participants mula sa mga NGOs.
Hangad ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan sa komunidad at maiwasan hindi lamang ang sakit na dengue kundi maging ang iba’t ibang sakit na nakukuha sa maruming kapaligiran. (PIA Batangas)
Aming panawagan: Sana ang lahat ng mamamayan ng lalawigan ay maki-isa sa magandang gawaing ito. Nawa ay hindi lamang sa mga araw na itinakda ng lokal pamahalaan ang ating paglilinis at pangangalaga sa kapaligiran.