Breaking News

Loboeños, bida sa ika-148 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Lobo

“Sa Lobo, lubos ang saya. Sa Lobo, lubos ang ligaya.”

Mas pinatotohanan ng mga Loboeño ang koro ng kanilang tourism jingle matapos ganapin ang Cultural Presentation sa mismong araw ng pagkakatatag ng kanilang bayan, Setyembre 27, sa Lobo Plaza.

Ang tagisan ng mga talentong pinagsama-sama, sayaw, kanta, talumpati, ay ginanapan ng mga barangay na ginrupo sa siyam na cluster.

Waging kampeonato ng araw ang Cluster 6 na pinagtulung-tulungan ng mga Barangay Malabrigo, Soloc at Sawang, na sinundan sila ng Cluster 8, Barangay Masaguitsit at Banalo Elementary School.

Tumayo sa ikatlong pwesto ang Cluster 9 ng Lobo Elementary School at sinundan sa ika-apat na pwesto ng Cluster 5, Barangay Biga, Balibago, at Punas.

Pinatatakan ang araw sa mga salita ng Bise Mayor Virgilio Manalo kung saan sinariwa niya ang pinagsimulan ng kanilang bayan at pasasalamat sa naging unang alkalde nila.

About Associate Editor

Edge An is the Associate Editor of WOWBatangas.com. If you have any concerns, reach him through his email editor@likhainternet.com

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.