Breaking News

Magandang Agoncillo : Kultura, Produkto at Agoncillians

Dating parte ng Bayan ng Lemery ang Bayan ng Agoncillo, pero dahil sa pagtutulungan ni Hon. Jacinto Mendoza,  Hon. Vicente Maligalig at Hon. Graciano Alcantara ay nahiwalay ito at naitatag ang Munisipalidad ng Pansipit noong August 22, 1948. At kalaunan ay naging Munisipalidad ng Agoncillo bilang pagpupugay sa “Kauna-unahang Filipino Diplomat” na si Don Felipe Agoncillo.

Sa kasalukuyan, kilala ang bayan ng Agoncillo bilang isang Agri-Tourism Municipality. Hitik na hitik sa biyaya ng lawa, magandang pasyalan, at mayamang kultura. Bagaman isa ito sa mga lubhang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 2020 ay patuloy ang progreso ng bayang ito bilang isa sa mga tourist destinations dine sa atin.

Agoncillians at ang kanilang Kultura

Makikita mo ang pagmamahal ng mga mamamayan ng Agoncillo sa kanilang kultura dahil kahit tayo ay napapaligiran na ng mga makabagong teknolohiya ay di nila nakakalimutan ang kanilang mga tradisyon at kultura. Patuloy nila itong pinapayabong sa pamamagitan ng pagpapasa sa mga susunod na henerasyon at patuloy na pagtuturo sa kanila ng kahalagahan nito.

Ilan sa mga tradisyong ito ay ang Sayaw na Subli, Tradisyon ng Pamumukot at paglulupak na minana pa sa kani-kaniyang mga ninuno.

Ipinagmalalaki din ng mga Agoncillians ang kanilang bayan sa pamamagitan ng pagiging mahusay sa mga larangang kanilang napili. Sa katunayan ilan sa mga kilalang personalidad sa sports at celebrities ang tubong Agoncillo. Ilan dito ay sina Mark Neuman (Celebrity), Charlie Dizon (Celebrity), Apol Rosales (National Softball Player/Coach), Mayeth and Michelle Carolino (Volleyball Players) atbp.

Kilala din ang mga Agoncillians sa pagiging masipag, maparaan at pagiging mapagmahal sa kanilang pamilya.

Destinasyon

Bukod sa napakagandang tanawin ng Bulkang Taal dahil ito ang isa sa mga pinakamalapit na Bayan sa Bulkan ay marami ding mga pasyalang “close to nature” ang matatagpuan dine. Tulad ng Tahanan sa Silangan, MonteBarigon Wildwalks at ang kilalang kilalang Bali Indonesia inspired resort na Villa Jovita. Kasama din dito ang Pansipit River, mga simbahan at mga Farms.

Pagkain at Produkto

Dahil ito’y isa sa mga bayang nakapalibot sa lawa ng taal, hitik na hitik sa mga biyaya ng lawa ang bayan ng Agoncillo. Isa na dito ay ang Tawilis, ang nag-iisang freshwater sardines sa buong mundo at tanging sa lawa lamang ng taal nakikita. Kaya naman ito rin ang kanilang ipinagdiriwang na Festival, ang “Tawilis Festival”. Bukod dyan ay mayroon din silang Tilapia, Ayungin, Bangus atbp. Ilan pa sa mga nakakatakam na pagkain nila’y nilupak, mantikadong itlog na pula at binitad na isda.

Ilan lamang ito sa mga nakakamanghang bagay tungkol sa Bayan ng Agoncillo. Kung nais mo pang mas makilala ang bayan ng Agoncillo, bisitahin lamang ang kanilang website https://www.agoncillo.gov.ph/

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.