Breaking News

Maglakbay sa Probinsya ng Batangas sa pamamagitan ng mga Plein Air artworks ni Banjo Magnaye ng Lipa City

Halos walong buwan na ang nakalipas simula ng sunod sunod ang mga hindi inaasahang kalamidad dine sa atin sa Batangas. Pamula sa pagputok ng Bulkang Taal at ang pandemyang dulot ng COVID19.

Sa mga panahon na ito ay malaking bahagi ng sangay ng turismo ang naapektuhan at maging mga turista ay nilimitahan ang pagpunta sa mga tourist spots dine sa atin. Isa pa naman tayo sa mga lugar sa Pilipinas na biniyayaan ang napakagagandang tanawin.

Kaya naman ito ang napiling subject ni Banjo Derit Magnaye, isang plein air artist mula sa Brgy. San Sebastian, Lipa City. Tara’t sabay sabay tayong maglakbay sa Probinsya ng Batangas sa pamamagitan ng kanyang mga Landscape Painting.

Nagsimula ang hilig ni Banjo sa pagguhit mula pa lamang ng siya’y nasa elementarya. Sa katunayan ay madalas syang kalahok sa mga poster making contest at sinimulan nya itong lalong pagyamanin noong Highschool at sumubok ng iba’t iba pang medium.

Nagsimula ang kanyang Landscape Travel Series ng sinimulan nya ang kanyang youtube vlog at dito niya ipinapakita ang mga behind the scene ng kanyang mga obra.

Hilig din sadya niya ang paggagala sa Batangas at ito’y paraan nya para madokumento ang napakagandang mga tourists spots dine sa atin. Gumagamit sya ng A6 size na sketchbook at Gouache para sa kanyang mga obra at isang DIY easel gamit ang lumang tripod at piraso ng flywood.

Ilan sa mga tampok sa kanyang obra ay ang Harapan ng Lipa City Hall, San Sebastian Cathedral sa Lipa City, National Shrine of Padre Pio sa Sto Tomas. City, Baybayin ng Lobo, Batangas, Taal Lake sa Balete, Batangas, Monte Maria sa Brgy. Pagkilatan, Batangas City, Taal Basilica sa Taal, Batangas at madami pang iba.

Ayon kay Banjo, ito’y paraan nya ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan ng pagpinta. Mabilis magbago ang panahon at maaaring malaki ang mga maging pagbabago sa ating kapaligiran at hindi natin masisigurado kung ito’y ating masisilayan pa sa mga susunod na panahon. Mahalaga din sa kanya ang bawat karanasan nya sa bawat lugar at obrang kaniyang ginagawa.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.