Breaking News

Museo ni Heneral Miguel Malvar sa Sto. Tomas, Batangas

Noong ika-13 ng Hulyo, 2015 ay pormal nang binuksan sa publiko ang Museo ni Heneral Miguel Malvar sa Sto. Tomas, Batangas sa pangunguna ng mga panauhing pandangal na si Sec. Virgilio delos Reyes ng Department of Agrarian Reform (DAR) at National Historical Commission of the Philippines Chairman Serena Diokno.

Dinaluhan ito ng ilan sa mga opisyal ng pamahalaan ng Batangas at gayun din ang mga kamag anak ni Heneral Miguel Malvar.

Interactive ang karamihan sa mga display na naroon gaya na lamang ng mga komiks tungkol sa buhay ni Heneral Malvar, Audio-Visual presentation ng kwento ng kanyang kabayanihan at ilang painting at memorabilia na koleksyon pa ng kaniyang mga kamag-anak. Masining na pagkukwento ng buhay ng bayani ang makikita sa museo kaya siguradong ikatutuwa ito ng mga estudyante na nais pumunta dito.

Tampok rin ang mga likhang sining mula sa kape sa Coffee Art Painting Exhibit na likha ng mga kabatangas Tomasino.  Inaasahan daragsa pa ang maraming bisita sapagkat ito’y bukas sa sino mang gustong pumunta at tunghayan ang mga loob ng museo.

Ipinatayo din ito bilang pagpupugay sa ika-150 taong kaarawan ng Bayaning Tomasino.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.