Breaking News

Paggunita sa ika-151 Anibersaryo ng kapanganakan ni Heneral Miguel Malvar sa iba’t ibang Bayan ng Batangas

ika-151-anibersaryo-ng-kapanganakan-ni-general-miguel-malvar-sto-tomas-batangas2
ika-151-anibersaryo-ng-kapanganakan-ni-general-miguel-malvar-malvar-batangas4
Bilang pagpupugay at paggunita sa ika-151 taong anibersaryo ng kapanganakan ng magiting na Batangenyong Bayani na si Heneral Miguel Malvar noong ika-27 ng Setyembre, 2016 , ay iba-ibang programa ang inilaan ng ilang mga bayan dine sa atin sa Batangas. Ilan sa mga ito ay ang Bayan kung saan hango sa ngalan ng magiting na bayani, ang Bayan ng Malvar. Isang misa ang kanilang inalay bilang pagkilala sa kagitingan ng ating mahal na bayani sa Julio M. Leviste Hall, San Piquinto, Malvar, Batangas. Pagkatapos ng misa ay pinangunahan ng butihing Mayora Cristeta C. Reyes ang pagpapasinaya sa bagong legislative hall ng munisipyo ng Malvar. Nagkaroon naman ng Wreath Laying Ceremony sa bantayog ng Magiting na Heneral Miguel Malvar kasama ang iba’t ibang sektor sa Pamahalaan bayan ng Malvar.

Photos by Municipality of Malvar

Mula naman sa Bayan ng Sto Tomas kung saan ipinanganak si Heneral Miguel Malvar ay isang banal na misa naman ang pinangunahan ng Pamahalaan ng Bayan ng Sto. Tomas sa pamumuno ni KGG. Mayor Edna P. Sanchez sa pakikipag-tulungan sa Museo ni Miguel Malvar. Pagkatapos ng misa ay ginanap naman ang isang programa kung saan panauhing pandangal at tagapagsalita ng okasyon ang punong lalawigan na si kagalang-galang na Gobernador Hermilando Mandanas. Kinilala din ang Kinatawan sa Kongreso na si KGG. Ma. Theresa Collantes. Dumalo at nag-alay din ng mga bulaklak ang iba’t-ibang sektor at samahang panlipunan dito ating bayan na kumikilala sa kabayanihan ipinamalas ng ating mahal na heneral at bayani.

Photos by Municipality of Sto. Tomas

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.