Nitong nagdaang linggo, isang pambirihang larawan ng Bulkang Taal ang nakuhanan ni Laurence Nils, tubong Rosario, Batangas habang nanananghalian sa Tagaytay.
Sa Tagaytay ay tan’aw ang kabuuan ng Bulkang Taal kaya naman ito ang isa sa mga pinakadayuhing lugar kung gusto mong makita ang kabuuang ganda nito. Kapansin pansin din mula sa kuha ang patuloy na pagtubo ng mga halaman at puno sa bulkan mula sa kuha ni John Carlo Bagas Avelida noong ika-8 ng Hunyo, 2020.
Ang Binintiang Malaki na madalas nating nakikita sa mga libro ay halos nanumbalik na din sa dati nitong ganda. Nanumbalik na din ang mga makukulay na bubong ng bahay sa Talisay, Batangas na dati’y punong puno ng mga gabok at putik mula sa Bulkan.
“Nagandahan ako sa mga namumukadkad na bulaklak at sa pagtubo ng mga halaman sa Bulkang Taal na animo’y nagpapahiwatig ng bagong simula”
– Laurence Nils
Ngay’ong araw ang ika-unang araw ng Setyembre, at ika nga ng iba eh kay bilis ng panahon at Ber Months na. Maya maya pa’y paparating na muli ang pasko. Para naman sa karamihan, ang tanging hiling sa pagpasok ng Ber Months ay ang pagtatapos ng pandemyang dulot ng COVID19.
Larawan ni Laurence Nils