Lubos pa rin ang saya sa huling araw ng Lobo Anihan Festival 2019 na pinagarbo ng Float Parade at Street Dance Competition sa kalye ng Barangay Poblacion, Lobo, Setyembre 28.
Bumida pa rin ang mga kandidata ng Miss Lobo 2019, sakay ng mga float na pinaghandaan ng bawat barangay. Muli namang nagtagisan ang mga kalahok na contingents ng Anihan Festival Queen sa Street Dance Competition.
Ang mga umupong hurado ng patimpalak ay sina Noel Recillo, Vanessa Tolentino, Amado Hagos, Krystine Escosura at Pablito Balantac.
Ang mga sumusunod ang nagkamit ng mga tropeyo at premyo na sinamahang igawad sa presensya ng pangunahing pandangal na si Sen. Manuel Lito Lapid.
Best Dance Presentation
4th Place – Tribu Mamumute (Lobo Senior High School)
3rd Place – Tribu Sinagkulay (Masaguitsit National High School)
2nd Place – Tribu Hasik-Uhay (Malapad na Parang National High School)
1st Place – Tribu Sindayog (Malabrigo National High School)
Best in Costume
4th Place – Tribu Sinagkulay
3rd Place – Tribu Mamumute
2nd Place – Tribu Hasik-Uhay
1st Place – Tribu Sindayog
Best in Street Dancing
4th Place – Tribu Hasik-Uhay
3rd Place – Tribu Sinagkulay
2nd Place – Tribu Sindayog
1st Place – Tribu Mamumute
Best Float
3rd Place – Barangay San Nicolas
2nd Place – Barangay Fabrica
1st Place – Barangay San Miguel
Pinarangalan din ang mga kalahok na sumali sa Agri-Fair para sa Best Booth.
Best Booth
3rd Place – Mabisa Eco-Farm
2nd Place – Batangas State University
1st place – Barangay Nagtaluntong-Balatbat