Breaking News

Pansamantalang pabahay para sa mga biktima ng Taal Volcano Eruption

Malainin, Ibaan, Batangas | Enero 31, 2020

Bago pa man matapos ang Buwan ng Enero 2020 ay muli kaming bumisita sa mga kababayan natin apektado ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas Interim Resettlement Area sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas.

Kasalukuyang may 86 pamilya na ang nailikas papunta dito na ang karamihan ay nagmula sa mga Barangay na sakop ng 7KM Permanent Danger Zone.

Nadatnan naman namin ang ilan na nagpapake ng kanilang mga kagamitan bilang paghahanda sa paglipat sa pansamantalang pabahay ng ating Probinsya.

Ang sinasabing pabahay ay ang Sea Breeze Residences na matatagpuan sa Barangay Talaibon, Ibaan, Batangas na isang housing project ng National Housing Authority (NHA) na para sana sa mga PNP at AFP.

May mahigit na 1000 units ang nakatayong bahay dito na may sukat na 40sqm at 800 sa mga ito ang pansamantalang titirahan ng mga bakwit. Karamihan sa mga ito ay kulang pa ng mga bintana at pinto at kasalukuyang inaayos ng Batangas Province PDRRMC. Ito muna ang magiging pansamantalang tirahan ng mga kababayan nating wala nang uuwian habang isinasaayos pa ang mga proyektong pabahay ng probinsya.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

2 comments

  1. Paano po kami makakapagbigay tulong? Sino po pwede nmin kausapin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.