Ang Philippine Ports Authority (PPA) ay puspusan ang paghahanda para sa pagdagsa ng byahero ngayong papalapit na ang Pasko upang masigurong hindi na mauulit ang trahedyang nangyari sa MV Baleno noong nakaraang taon.
Ayon sa PPA, tinatayang nasa 10,000 pasahero ang dadagsa sa Port of Batangas simula sa ikatlong linggo ng Disyembre hanggang sa unang linggo ng Enero 2011.
Sa ngayong, nasa 32 barko ang bumibiyahe ng rutang Mindoro at Batangas at may mga nakaantabay pa kung sakaling kulangin sa darating na Kapaskuhan.
Sinabi ng PPA na ilan sa mga measures na ginagawa nila ay ang pagsiguro kung tama ang bigat ng kargada ng bawat barkong bumibiyahe, kung tama ang kapasidad ng bawat barko at hindi overloaded na karaniwang nagiging sanhi ng trahedya. (PIO, Batangas)