Breaking News

San Jose, Batangas 250th Founding Anniversary Street Dance Competition

IMG_7690
Noong ika-24 ng Abril, 2015 , alas 6 ng umaga ay sama samang nag tipon ang mga kabataang kalahok sa street dance competition. Giliw na giliw ang mga mamamayan ng bayan ng San Jose sa makukulay na kasuotan at mahusay na pag sayaw ng mga kalahok habang binabagtas ang kakalsadahan ng Bayan ng San Jose. Hindi alintana ng mga mananayaw ang init ng panahon at patuloy pa din sa pag indak at pag ngiti habang nagbibigay saya sa mga manunuod. Labing-isang barangay ang nakilahok at dito pa lamang ay makikita mo na ang pag kakaisa at kagustuhan nilang irepresenta ang kanya kanyang barangay.

Sinundan ito ng 5 Minute Street Dance Competition sa San Jose Gymnasium at ipinakita ang galing at talento ng mga kabataan sa pagsasayaw.

Nagpasalamat naman ang kagalang galang na Mayor Entiquio Briones kasama ng kanyang Vice Mayor Valentino Patron at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa mainit na pag tanggap ng mga mamamayan ng Bayan ng San Jose. Humanga rin sila sa galing at sa talento ng mga kabataang nakilahok.

Listahan ng mga Kalahok
Tilaok Dance Troupe
Tribo Caluag
Kultura De San Jose
Tribong Maharlika ng Pulo
Tribong Pinagkaisa
BLAS “Tilaok Dance Troupe”
The Golden Egg Fighters
Unang Pahina
Tribo Itlugan
Bailarines Dela Calle
Pilantik
Listahan ng mga Nanalo
1st Place: Tilaok Dance Troupe
2nd Place: Tribu Itlugan
3rd Place: Tribung Pinagkaisa

 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.