Nangamba ang ilan sa ating mga kababayan ng biglang nagbuga muli ng makakapal na usok ang Bulkang Taal nitong nakaraang ika-26 ng Pebrero, 2020 sa ganap na ika-9 ng gabi hanggang ika-3 ng umaga ng ika-27 ng Pebrero, 2020.
Ayon naman sa Philvocs ay wala naman dapat ipangamba ang mga tao dahil normal ang mga ganitong pangyayari dahil nasa Alert level 2 pa din sa kasalukuyan ang Bulkan.
Ang sinasabing steam-laden pumes ay umabot ng 300 metro ang taas at may naitala ding mahigit 30 na pagyanig.
Larawan ni Amiel Amores
Narito ang buong update mula sa Phivolcs: