Breaking News

Pag asa sa Sa-Sa | Lobo, Batangas

Bago pa man magkaroon ng pandemya, ang kabuhayan ng mga taga Barangay Olo-Olo, Lobo, Batangas ay nakasalalay sa dagsa ng turistang bumibisita sa mga Mangrove Forests, Eco-Parts at magandang dalampasigang naririto.

Ngayon malaking bahagi ng bilang ng turista ang nagpupunta dito, ang mga masisipag na lokal ay nanunumbalik sa mga tradisyunal at pamilyar na paraan ng pagkita tulad ng pangingisda, panghuhuli ng alimango at iba’t ibang kalakal na makukuha sa mga mangrove. Isa na rin dito ang dahon ng Sa-sa na ginagamit sa paggawa ng pawid na kadalasang pambubong sa mga bahay kubo.

Si Jeffrey, 30 taong gulang ang syang nangungulekta ng mga dahon ng Sa-sa at iba pang materyales at ang kanyang mga kamag anak naman ang syang nagtatahi nito para maging pawid. Aniya, malakas ang bentahan nito at kadalasan ay kinokontrata na ang mga dahon bago pa man gawing pawid.

Ang pitumpu’t pitong taong gulang namang si Aling Bienvenida ang isa sa mga nagtatahi ng mga dahon ay kayang gumawa ng 40-50 piraso ng pawid sa isang araw. Aniya, bukod sa ito’y paraan ng pagkita, sinasamantala din nila ang maituro sa mga nakababatang henerasyon ang mayamang kultura at tradisyong ito.

📍 Brgy Olo-Olo, Lobo, Batangas
📸 Joel Mataro

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.