Breaking News

Saan nga ga ginagamit ng mga Batangueño ang Internet? | TM Doble Data Event

Hindi na natin maitatanggi na bahagi na ng pang araw araw na buhay natin ang internet? Sa katunayan, tayong mga Filipino ang hinirang na pinaka una sa heaviest internet user sa buong mundo noong 2019 ayon sa Hootsuite and We are Social.

At napatunayan natin ito lalo noong nagkaroon ng Lockdown dahil sa COVID19. Halos lahat tayo’y gumagamit ng internet para makibalita, magtanggal ng inip, magtrabaho, mag aral at iba pa. At habang tumatagal ay mas tumataas ng tumataas ang pangangailangan natin na data allocation.

Naglista kami ng ilang bagay kung saan madalas gamitin ng mga Batangueño ang kanilang internet :

Pag-aaral
Nitong ika-05 ng Oktubre ay nagsimula na ang pasukan sa halos lahat ng eskwelahan dine sa Batangas. Dahil sa banda ng COVID19 ay pansamantalang mga kani-kaniyang bahay ang naging eskwelahan ng mga estudyante at gumagamit sila ng modules para mag aral.

Tulad na lamang ng estudyanteng si Aaron Caisip, isang grade 11 Student mula sa Balayan, Batangas na kasalukuyang sumasailalim sa Modular Learning System kung saan gumagamit sila ng modules sa kanilang pag aaral. Para sa kanya, esensyal ang internet para makapag submit sila ng kanilang mga proyekto at activities, makausap ang kanyang mga kaklase at guro at makapag research pa ng mas higit sa tungkol sa kanilang aralin.

Pang-aliw at para makibalita
Simula din ng nagkaroon ng lockdown ay kadalasang nag aabang tayo ng mga balita at updates sa telebisyon at social media. Madami din ang naiinip sa kanilang mga tahanan kaya naman ito din ang naging pang tanggal inip nila habang quarantine.

Kwento nga ni Tatay Mateo Bendicio, isang tricycle driver ay madalas silang gumamit ng internet para manuod ng mga pelikula at balita sa kanyang cellphone habang nag aantay ng pasahero sa paradahan ng tricycle. Minsan din daw ay thru messenger na din siya china-chat ng kanyang mga suking pasahero na nais magpahatid.

Pangtrabaho at Pangraket
Madaming kababayan natin ang nagsimula ng mga Online Selling Business simula ng lockdown. Ito’y naging paraan ng ating mga kababayan upang kumita kahit mayroong pandemya.

Karamihan din ng mga business establishment ay ginamit ang social media sa pagbebenta dahil hindi makapabukas ng kanilang mga pwesto.

Kwento nga ni Nanay Maria Aguilando, madaming nagpapaload sa kanya simula ng nagkaroon ng pandemya. At kadalasan ay ginagamit sa paglalaro ng online games, social media at pang negosyo.

Mangamusta at makipag-usap
Madami ding OFW ang nalockdown at hindi maaring makauwi ngayong taon dahil sa pagsasara ng mga pantalan at paliparan. Gayunpaman, dahil sa social media ay naging madali ang pangangamusta at pakikipag usap kahit malayo sa pamilya.

Kaya naman nitong ika-06 ng Oktubre, 2020 ay ipinakita ng TM ang improved EasySurf50 Doble Data sa iba’t ibang lugar sa Batangas. Nagtayo sila ng mga TM Booths sa Bayan ng Padre Garcia, San Luis at Balayan. Ang bawat booth ay may kanya kanyang pakulo para masulit ng mga Batangueño ang Doble-dobleng promong hatid ng TM tulad ng libreng masarap na Halo-Halo ng Padre Garcia sa bawat paload, Tiktok Challenges, Games, Raffles at iba pa.

Isa sa mga pinakasulit na promo nila ay ang EASYSURF50, ito din ang pinakamadalas pinapaload ng ating mga kababayan dahil ang iyong 50 pesos ay tatagal na ng tatlong araw at may Unli All-Net Text pa na kasama. Ang dating 1GB Data Allocation ay naging 2gb na at may libreng 3GB pang pwede mong gamitin sa napili mong mga apps. Saktong sakto para sa mga iba’t ibang gamit natin ng internet.

Ilan sa mga FunPinoy Packs na ito ay ang sumusunod:

FunAliw
2GB Pang Internet + Unli All Net Text
3GB (1GB Araw-araw) para sa Facebook, Youtube, Mobile Legends, Tiktok, Wesing

FunKwentuhan
2GB Pang Internet + Unli All Net Text
3GB (1GB Araw-araw) para sa Facebook, Instagram, Zoom, Hangouts, WeChat

FunRaket
2GB Pang Internet + Unli All Net Text
3GB (1GB Araw-araw) para sa Lazada, Gcash, Shopee, Carousell, Facebook

FunAral
2GB Pang Internet + Unli All Net Text
3GB (1GB Araw-araw) para sa Google, Youtube, Wikipedia at iba pa

Saktong sakto sa mga magkakaibang pangangailangan natin sa pag gamit ng internet.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.