Breaking News

Scott Kelby Worldwide Photowalk 2018 sa Batangas

Noong Oktubre 6, 2018 ay ginanap ang taunang Scott Kelby Worldwide Photowalk 2018 dine sa Batangas. Tila naging panata na din nga mga Litratista ang pakikilahok dito at laging nag aabang ng mga listahan ng mga pupuntahan. Kung noong kabilang taon ay inikot ang mga bayang nakapalibot sa Taal Lake, napili ng batikang Street Photographer na si Sir Joel Mataro mula sa Malvar na puntahan ang ating mga kabukiran.

Bukod sa kauna-unahan at kakaiba ito sa kasaysayan ng SKWPW, ninais ni Sir Joel Mataro maipapakita sa pamamagitan ng mga larawan ang lakas, potensyal at sigla ng Agricultural Sector sa konteksto ng Tourismo. Bukod sa napakarami mong mabubuong larawan, nabibigayan mo di ng pagkakataon dito sa photowalk na ito, nilayong makita at maintindihan ang iba’t ibang proseso ng negosyong agrikultural at ang pangkaraniwang lifestyle ng mga bumubuo nito, mula sa mga bukid, post-harvest facilities, iba’t ibang high value crops, animal and livestock raising, at iba pa.

Tatlumpu’t anim na litratista ang nakilahok mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas, Laguna at ang ilan pa’y mula sa manila kung saan pinuntahan ng nila ang mga sumusunod na lugar sa Batangas :

Malvar Metro Turf | Ang Malvar Metro Turf ay isang 45 hectares na horse race track na matatagpuan sa Brgy. San Pioquinto, Malvar, Batangas. Kadalasan ay may magandang eksena ng bukang liwayway sa bahaging ito ng Bayan ng Malvar. Bagaman, wala kaming naabutang mga kabayong nag eensayo para sa karera ay mayroon namang fun run ng araw na iyon kaya nakadagdag ito sa eksena ng bukang liwayliway.

 

Corn Farm in Brgy Sto. Torribio, Lipa City | Bago pa man tuluyang sumikat ang haring araw ay agad kaming nagpunta sa Brgy Sto. Torribio, Lipa City upang saksihan din ang pagsikat ng araw sa mga taniman ng mais dito. Ilang linggo na lamang ay puputihin na ang mga ito.

Balete, Batangas Lake Front | Pagkatapos namin sa taniman ay bumaba kami sa pampang ng Balete, Batangas. Isa sa mga paborito naming puntahan tuwing photowalk dahil di kami nabibigo sa dami ng mga eksenang nagaganap dito. Ilan sa aming naabutan ang mga kabataang gumagawa ng kwintas at bracelet gamit ang mga bulaklak ng santan at mga kabataang naglalaro sa babay ng Lawa ng Taal.

Golden Clover Bee Farm | Isa din sa mga madalas na matatagpuan malapit sa Balete, Batangas ay ang mga Bee Farms kung saan makakabili ka ng matatamis na pulot. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Brgy Bulacnin, Lipa City. Dito ay ipinakita sa amin ang prosesong pinagdadaanan bago pa man mailagay sa mga bote ang mga pulot. Bonus pa ang patikim na pulot na nasa saray pa.

Sentralisadong Bagsakan ng Gulay sa Brgy. Sambat, Tanauan |  Isa sa mga pinaka abalang lugar na aming napuntahan. Napakaraming eksena tulad ng mga nagkakarga at nagbababa ng kanilang mga kalakal mula sa dyip, mga mamimiling nakikipag tawaran sa mga manininda, mga nag iintay na sasakyan na nais makapasok sa bagsakan. Kung nais mong makabili ng maramihang bahagi ng gulay sa mura halaga ay dine ka na unang magpunta. Masisiguro mo pa ang kalidad at timbang.

Kahariam Farms, Lipa City | Bagaman  tuluyan na ngang pumatak ang ulan ay tuloy tuloy pa rin ang photowalk sa aming pinakahuling destinasyon, ang Kahariam Farms sa Lipa City. Dito’y matatagpuan mo ang samo’t saring mga hayop, halaman at puno.  Ilan sa mga nakakawiling pagmasdan dine ang mga wild pigs o mga tagalog na baboy, ang mga vermi worms at mga makukulay na pasong gawa sa nirecycle na mga bulyo ng tubig.

Umuwi ang bawat isa sa amin na may bitbit na ngiti sa labi at ilang mga nabiling pagkain, gulay, prutas mula saming mga napuntahan ng araw na iyon. Nagnanais na nawa’y lalo pang lumago ang sektor ng agrikultura dine sa atin.

Larawan ni Edison Manalo, Jeremy Mendoza, Jester Magsino, Eric Dale Enriquez, Jess Jam Belicena at Ryan Tibayan

 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.