Breaking News

Soroptimist International Lipa : Women Empowerment , Gender equality at pagtulong sa Lipunan

Ngayong araw ay ang itinakdang araw ng “International Women’s Day” kung saan binibigyang pugay ang mga kababaihan at ang kanilang mahalagang gampanin sa ating lipunan. Ang tema ngayon taon ay “An equal world is an enabled world” na tumatalakay sa isang mahalagang usapin tulad ng gender equality.

Dine sa atin sa Batangas ay may mga grupo ng Batangueñang nagsama sama upang paunladin ang isa’t isa at makatulong sa ating lipunan lalo’t higit sa mga kababaihan. 

Ang Soroptimist International Lipa ay isang all-women non-government and non-profit organization sa Lipa na naglalayong makapagbigay ng pag-asa at suporta sa mga mas may higit na pangangailangang kabataan at kababaihan sa pagmamagitan ng Edukasyon at Socio-Economic Activities. 

Binubuo ang organisasyon ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, realty, brokerage, business womens, restaurant owners atbp.  

Isa sa kanilang hanggad ay ang makatulong sa mga kababaihan para maging independent o may sariling kakayahan para tumayo sa sariling paa. 

Ilan sa kanilang mga programa ay ang mga sumusunod:

Live your dream
Isa sa mga programa ng Soroptimist International Lipa kung saan nagbibigay sila ng libreng edukasyon sa mga kabataang babae na nasa kolehiyo at nais mag aral. Ang mga grant na nagmumula sa Soroptimist International of the Americas ay syang nagpopondo sa pag aaral ng mga kababaihan ito mula unang araw ng pagpasok sa kolehiyo hanggang sa makatapos ito ng pag aaral. 

Dream it. Be it. 
Ito naman ang kanilang programa para sa mga kababaihang kasalukuyang pumapasok sa highschool. Namili sila ng 200 estudyanteng kababaihan mula sa San Celestino National High School, Lipa City upang mas magabayan ang mga ito sa kanilang mga pangarap at alamin ang mga hinaharap nilang hadlang sa araw araw na buhay upang maihanda sila sa hinaharap. 

Ilan pa sa kanilang mga proyekto ay information drive ukol sa teen dating, mental health awareness, gift-giving, donation drives at mga tree planting activities. 

“Naniniwala ako na ang mga kababaihan ay workers. Pagdating sa pamilya sila ang multi-tasker. Ang mga kababaihan ay gifted. 

Kaming mga babae na nagsama sama with different vocation, classification, talents and resources. We work and pool together our resources, talents and time para kami ay makatulong.”
Ms. Bernardine B Go.
Charter President | Soroptimist International Lipa

Sa pagtutulungan din ng mga miyembro ng grupo at nadedevelop ang bawat isa sa kanila upang mas maging kapaki-pakinabang sa ating lipunan at makapag paunlad ng kani-kaniyang sarili. 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.