Breaking News

Ekspedisyon para sa pangangalagan ng Lawa at Bulkang Taal

DCIM100MEDIADJI_0001.JPG

Labing isang buwan matapos ang pagputok ng Bulkang Taal nitong ika-12 ng Enero ngayon taong 2020 ay isang ekpedisyon ang pinangunahan ng FAITH Botanic Gardens Foundation, Inc., FAITH Colleges at mga Biology and Earth Scientists mula sa UP Diliman at UST nitong ika-5 ng Disyembre, taong 2020.

Layunin nitong mapag aralan ang epekto ng pagputok ng Bulkang Taal sa lupa, kalidad ng tubig, mga hayop, halaman at mga organismong nakatira sa bulkan at sa lawa. Malaking tulong ito para sa ating mga Batangueño higit lalo sa mga kumunidad na nakapaligid sa lawa na mas maintindihan kung paano ang tamang pangangalaga sa lawa at bulkang taal.

“Hindi natin malalaman kung paano natin siya maco-conserve o mamamanage ng mabuti kung hindi natin alam kung anong meron sa kanya at kung anong estado nya. Ito’y makakatulong para mas maintindihan natin ang Lawa ng Taal at kung paano aalagaan ito.”
– Dean of UST College of Science Rey Donne Papa, Ph.D

Ayon din Kay Professor Rey, matagal na silang nag aaral tungkol dito at ilan sa kanilang pinag aralan noon ang ating tawilis at duhol matapang.

Pinag aaralan din ng FAITH Colleges ang pamamahala ng 176 ektaryang lupa sa Bulkang Taal bilang isang Nature Conservancy Area para sa mga lokal na estudyante at researchers.

“Dapat maisama yan sa ating curriculum kung saan ang unang mag aaral ay ang ating mga Faculty Members ng College at Highschool. That’s why we linked up with the experts to help develop the pool of knowledge about Taal Volcano. From there, the knowledge will be trickled down from the faculty to the students.”
– Juan P Lozano (Executive Vice President at FAITH Colleges)

Aniya, ito’y paraan din para mas maintindihan ng mga kabataan ang pangangalaga nito at mapaghandaan na rin ang mga susunod pang di inaasahang kaganapan tulad ngayong taon.

Bilang mga normal na mamamayan naman ay maari tayong tumulong sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng basura kung saan saan na maaring makasira sa ating kalikasan, limitahan ang dami ng bilang ng mga fish pens at mga invasive species at magkaroon ng limitasyon sa pangingisda mula sa lawa.

Ang Lawa at ang Bulkan ay hindi lamang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Ito rin ay tahanan ng maraming tao, hayop at mga organismo, ito’y pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan kaya nararapat lamang na gampanan natin ang pangangalaga nito.

Larawan ni Maria Eunice Bolinao Cabildo | Alden Jhian Guerrero | Richard Hidalgo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Intercontinental Hotels Group (IHG) Sets Foot South of Manila, Brings Tourists Closer to Batangas Destinations

Holiday Inn & Suites, one of the renowned brands of IHG Hotels and Resorts, has …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.