PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS RELEASE
November 8, 2010
PLEASE REFER TO MS. GINETTE SEGISMUNDO
TEL: (043) 980-5206
Kultura, Kasaysayan at Produkto Tampok sa Batangas Province Foundation Day
Batangas – “ Its All Here… Its so Near”
Batangas City – Pormal na inilunsad ng Provincial Government of Batangas at Department of Trade and Industry ang opisyal na tema para sa gaganaping Provincial Selling Fair sa Disyembre 3-8 2010.
Ang Trade Fair na may opisyal na temang “ Batangas, It’s All Here… It’s So Near” ay katatampukan ng pagpapakita ng mga primera klase at numero unong produkto ng lalawigan mula sa iba’t ibang bayan.
Ang paglulunsad ay pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto kasama ang Provincial Board of Batangas at mga opisyal mula sa DTI – Region 4-A sa pangunguna nina Director Marilou Toledo, DTI Batangas Prov. Director Ruel Gonzales at Provincial Tourism Office Chief Pancho Lardizabal.
Sa paglulunsad ng temang “Batangas It’s All Here… It’s So Near”, layunin nito na paigtingin ang imahe ng lalawigan bilang isa sa mga nangungunang destinasyon sa larangan ng turismo sa hatid nitong magagandang destinasyon, mayamang kultura at dekalidad na produkto.
“It’s time for the Province of Batangas to be at par with its neighboring provinces in terms of tourism recognition. Di na nila kailangan lumayo pa… Batangas has it all… beautiful summer destinations, religious and cultural destinations and world-class products,” pagmamalaki ni Governor Vi.
“Given the first class infrastructure and road networks madali sa mga kababayan natin na marating ang lalawigan,” dagdag pa nito.
Katuwang ng lalawigan sa pangunguna ng Provincial Tourism Office sa pagsusulong ng programang ito ang Lipa City Government na syang magiging Host City sa gaganaping Trade Fair na bahagi ng Ala-Eh Festival, Smart Communications, Batangas Province Chamber of Commerce, PLDT SME Nation at SM City Lipa. /Edwin V Zabarte-PIO/
Can we join your trade fair.
Magandang Araw, sa ngayon po ay wala pa ulit Provincial Trade Fair.