Breaking News

Hepe ng BFP Batangas City, Itinanghal na Fire Marshal of the Year

PRESS RELEASE
Public Information Office
December 14, 2010

Nagwagi ang hepe ng Bureau of Fire Protection sa Batangas City na si Fire Marshall Gerrandie Agonos bilang City Fire Marshall of the Year sa Region IV sa loob lamang ng halos isang taon niyang panunungkulan sa lungsod.

Ang awarding ay ginanap sa BFP National Headquarters sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna noong ika-13 ng Disyembre. Si FM Agonos ang tinanghal na pinakamahusay na fire marshall sa limang contenders sa CALABARZON.

Ang parangal ay iginawad ni Gen. Manuel C. Ariza Jr. na miyembro ng AFP. Ayon kay Agonos, isa sa mga advantages niya ay ang pagiging isang trainor/instructor at key officer ng nag-iisang institusyon sa bansa para sa mga bumbero – ang Fire National Training Institute. Malaking tulong din aniya ang kanyang kaalaman sa batas partikular sa pagpapatupad ng Fire Code.

Kabilang sa mga accomplishments ni Agonos ay ang epektibong koleksyon ng fire code fees. Nakakuha rin siya ng malaking puntos sa pagsasagawa niya ng Fire Brigade Competence Training sa mga volunteers at iba’t ibang sektor kung saan itinuturo dito ang fire safety, fire prevention, fire fighting, rescue operation at pagbibigay ng first aid.

Isa pang winning factor ang patuloy na information at education campaign tungkol sa fire prevention at sa Fire Code of the Philippines.
Higit sa lahat ang visibility ng BFP sa panahon ng emergency at kalamidad kagaya ng rescue operation. Isang halimbawa nito ay ang rescue and retrieval operation ng BFP Batangas City sa tulong ng Rescue Team ng Regional Headquarters at ng Red Cross sa may 23 pasahero ng JAM bus na nahulog sa bangin sa KM 98 Tollway Corp. sa Brgy. Quilo, Ibaan, Batangas noong October 25.

Bukod pa rito, kinilala si Agonos ng Tanduay Distillers Inc. sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Award of Appreciation sa kanya dahilan sa pagtulong niya sa sunog na naganap sa Tanduay Cabuyao Plant noong October 14.

Tumanggap din ng recognition si Mayor Vilma Dimacuha sa kanyang financial at logistical support at assistance sa BFP at ang Batangas City Fire Station at Batangas City Fire rescue personnel sa mahusay nilang serbisyo sa publiko.

Patunay ng malaking suporta ng pamahalaang lungsod sa BFP ang pagkakaloob nito ng dalawang fire truck at isang ambulance, allowances ng personnel at iba pang budgetary allocations para sa maintenance at operation ng nabanggit na ahensya. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.