Breaking News

Kalagayan ng ating mga Kababayan | Taal Volcano Eruption Update – February 18, 2020

Mahigit isang buwan matapos pumutok ang Bulkang Taal, binisita naming muli ang ating mga kababayang inilipat sa pansamantalang pabahay sa Barangay Talaibon, Ibaan, Batangas at sa Batangas Interim Resettlement Area sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas.

Ito ang ilan sa mga updates:

Batangas Interim Resettlement Area, Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas

  • Kasalukuyang may 52 pamilya sa loob ng Batangas Interim Resettlement Area na binubuo ng 172 individuals mula sa mga Bayan ng Agoncillo, San Nicolas at Talisay.
  • Sa pagtutulungan ng Red Cross at Probinsya ng Batangas ay nagsimula nang magtayo ng mga tents dito na pangsamantalang tutuluyan ng mga Evacuees. Mismong mga Evacuees din ang nagbubuo ng mga tent at naging pansamantalang kabuhayan nila ito dahil may matatanggap silang tulong pinansyal sa pagtulong sa pagtatayo ng mga tents.
  • Sa ngayon ay mahigit sa pitumpu(70) muna ang itatayong tents dito na maaring madagdagan sa kabilang bahagi ng interim resettlement area ng mahigit sa isang-daan(100) kapag inilipat na ang iba pang evacuees dito.
  • Kasama na din sa plano ang toilets and bath para sa seguridad ng mga evacuees particular ang mga PWDs.
  • Magkakaroon din ng mga lutuan na magagamit ng mga Evacuees sa lugar.
  • Patuloy pa din ang pagdating ng iba-ibang organisasyon at grupo na nagbibigay ng tulong at nagbabahagi ng kasiyahan sa ating mga kababayan.
  • Lumipat na din ang mga estudyanteng apektado ng pagsabog ng bulkan ng paaralan at patuloy na silang pumapasok.

Pansamantalang Pabahay sa Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas

  • Kasalukuyang may 381 pamilya na binubuo 1286 na individual sa pansamantalang pabahay sa Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas.
  • Isinasaayos pa ang ibang unit dahil kulang pa ito ng mga toilet bowl at pagdating ng panahon ay ililipat na rin ang ibang mga pamilya.
  • Naabutan namin ang DSWD habang nag-a-assess ng mga evacuees at alamin ang kanilang mga pangangailangan.
  • Marami pa din ang nagpapaabot ng tulong. Tila fiesta ng maabutan namin ang gym dahil punong puno ito ng mga tao dahil may mga clown na nagbibigay aliw at papremyo sa mga bata. May mga nagpadala din ng pagkain para sa kanila.
  • Naroon din ang Provincial Health Office para sa mga pangangailangang medikal ng mga Evacuees.
  • Karamihan din sa mga bahay ay natakluban na ang mga bintana at pinto ng mga tarapal upang malabanan ang lamig sa gabi.
  • Magsisimula na din ang livelihood seminar sa pagtutulungan ng TESDA at PCLEDO.
  • Mayroon ding itinatayong mini kitchen para sa mga evacuees sa tabi ng Gym.

Ilan sa kanilang pangangailangan:

PERA – Pang araw-araw na gastos at pambaon sa eskwela.
KABUHAYAN/TRABAHO – Para sa tuloy-tuloy na pagkita para sa kani-kanilang pamilya.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.