Labing dalawang Vaccination Centers ang itinalaga ng Lokal na pamahalaan ng Lipa City para sa nasasakupan nito. Lima (5) dito ay mga Barangay Health Centers, dalawang (2) pampublikong hospital at limang (5) pribadong Hospital. Kabilang sa mga pribadong hospital na ito ang Lipa Medix Medical Center.
Kahapon, ika-17 ng Marso, 2021 ay sinimulan na ang libreng bakuna sa mga medical frontliners at healthcare workers ng nasabing hospital. Prioridad ng LMMC ang kanilang mga empleyadong nasa high risks tulad ng mga nurses at doctor na direktang nag aalaga ng mga COVID19 patients, elderly at mga support services.
Ang 96 vials ng astrazeneca covid vaccine ay mula sa DOH Region IV at ang bawat vial na ito ay kayang bakunahan ang sampung(10) katao.
Animnapu(60) hanggang Walumpo(80) ang layunin mabakunahan sa loob ng isang araw at ang mga ito ay kailangan ding dumaan sa proseso. Una, kailangan nilang mag fill up ng Informed Consent Form, Vaccination Card at Health Declaaration Screening Form. Pagkatapos nito’y dadaan sa screening at interview para malamang kung kasalukuyang may ibang sakit o kondisyon na maaring makaapekto sa epekto ng bakuna. Sumunod ay ang aktuwal na pagbabakuna at monitoring naman pagkatapos nito.
Ayon Dr. Nestor L. Atienza, MD, Medical Director ng Lipa Medix Medical Center ay mahalaga higit lalo sa mga medical frontliners ang mabakunahan dahil sila ang nag aalaga sa mga pasyenteng mayroong COVID19 at ito’y hindi lamang proteksyon nila sa kanilang sarili kundi para din sa mga taong nakakasalamuha nila. Magiging bukas naman sa publiko ang libreng bakuna kontra COVID19 pagdating ng mga bagong batch ng vaccine na inaasahan ngayong parating na buwan ng hunyo.