Bukod sa dinarayong Malabrigo Lighthouse sa Lobo, isa din sa kanilang pinagmamalaki ang Malabrigo Beach dahil sa ganda ng tanawin dito at linis ng tubig.
Photo by Gio Tatlonghari
Paano pumunta? Are ang direksyon!
- From Cubao – ride a bus going to batangas, the fare is 165.00 pesos, drop off at Balagtas Grand terminal.
- From Batangas Terminal ride a jeep to Don Ramos Kumintang (8.00) and from Don Ramos, ride a jeep going to SM Batangas, (8.00) when you reach the lobo terminal you can ask the driver if they can drop you to malabrigo tricycle terminal (Fare from Batangas to Lobo is 55)
- From Lobo theres a Malabrigo Terminal tricycle going to malabrigo (fare is 22.00)
- Madaming resorts and transient house na pwedeng tuluyan if ever na mas gusto mong magtagal sa Malabrigo.
Environmental Fee is 20 Pesos per Head.
Trip Schedule to Lobo Batangas:
Batangas to Lobo, Poblacion Terminal (7:00 pm last trip)
Lobo, Poblacion to Batangas Terminal (5:00 pm last trip)
Malabrigo – Lobo Vice Versa (5:00 pm last trip)
Anong oras magandang puntahan?
Alas 8 ng umaga para maenjoy mo ang magandang view, pwede ring naman maghintay kung nais mong makuhanan ang ginintuang takipsilim sa hapon.
Recommendations:
I would personally recommend the Punta de Malabrigo Lighthouse, although bawal na ang cameras inside the vicinity of the area, you can shoot the architectural view of the lighthouse naman, ito din yung kadalasang pinupuntahan ng mga tourist/photographers dahil sa angkin ganda na naitayo pa mula noong 1896.
Maliban sa lighthouse, maganda rin kuhanan ng litrato ang mga nagagandahang rock formations sa baba ng lighthouse, may masukal na hagdan pababa ng lighthouse na makikita din doon ang pebble stones sa tabi ng beach., kung makakapaghintay naman ng hangang hapon, maabangan na din natin ang magandang sunset sa tabi ng beach.
Kung gusto mo naman ng diving spot para sa underwater photography, magsabi lang sa local na namamahala ng beach para makapagprovide ng diving gears.
Thank you for this. It will be really helpful for the people na gusto pumunta sa amin. taga Malabrigo ako by the way.
Wala pong anuman. Balik ho kami diyan sa lobo para mag uli. Mas mainam po kung masasamahan kami ng mga lokal na taga riyan. 🙂