Kilala ang Mabini Batangas bilang isa sa mga diving spots dine sa atin. Madalas nga’y dinarayo ito ng mga turista mula sa ibang bansa at mga kilalang personalidad dahil sa natatanging ganda nito. Ito ang ilan sa mga tagong yaman ng Mabini, Batangas mula sa mata ni Kenneth Manalo.
Isang pambihirang tagpo kung saan nakuhanan ang pagkidlat habang nag seself-portrait si Kenneth Manalo kasama ang Sombrero Island.
Bukang liwaway mula sa tuktok ng bundok Gulugod Baboy na madalas dinarayo ng mga mountaineers.
Takipsilim kasama ang Sumbrero Island sa Mabini, Batangas. Isa sa mga paboritong diving spots dahil sa dami at ganda ng mga isdaat coral reefs na makikita dito.
Larawan ni John Kenneth Manalo