Tuwing buwan ng Hulyo at Agosto ay unti unti nang naglalabasan ang kabute sa palengke kasunod ng sunod sunod na pag ulan. Madalas itong tumutubo sa mga bahay ng anay at mga mamasa masang lugar.
Gumigising pa nga ng maaga ang mga lokal para lamang maghanap at makakuha nito. Nililinis ang mga ito at tinatanggalan ng putik. Tinatanggal din ang balat ng parteng ibabaw nito. Masarap itong lutuin ng may sabaw na parang tinola o kaya nama’y adobo kapares ng tuyo o pritong isda.