Isa sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya ang industriya ng turismo dine sa atin sa Batangas. Sa katunayan, marami pa ding bahagi ng probinsya ang hindi pa bukas para tumanggap ng mga turista.
Kaya naman upang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang apatnapung (40) mga Mountain Guides mula sa Nasugbu, Batangas ay nagtulungan ang Pamahalaang Bayan ng Nasugbu, Public Employment Service Office (PESO), Tourism Industry & Services Office (TISO) at Probinsya ng Batangas.
Sa ilalim ng TUPAD (Tulong Panghanap buhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers) Program ay pansamantalang mabibigyan ng hanap buhay ang mga kababayang nawalan o hindi sapat ang kita sa araw-araw lalo’t higit sa hindi magandang dulot ng pandemyang Covid-19.
Kanilang nililisin at isinasaayos ang ilang bahagi ng daanan at naglalagay ng mga bagong atraksyon sa mga destinasyong pangturismo sa Nasugbu upang ihanda ito sa muli nitong pagbubukas. Ilan dito ay ang Mt. Talamitam, Mt. Lantik, at Layong Bilog River.