Dalawang micro finance centers ng Bangko Kabayan na isang nangungunang rural bank sa lalawigan ng Batangas ang pinagkalooban ng livelihood grants ng Globe Telecom sa ilalim ng kanilang Globe Enterprise Development Program (GEDP) na naglalayong makatulong sa pagpapalawak ng community enterprises.
Ito ay ang Kapitan Macalamlam B2 na isang Bigasan Center at nagkakaloob ng chair rental service. Ito ay matatagpuan sa Macalamlam B, Rosario, Batangas na may 23 myembro. Sila ay tumanggap ng P 30,000 mula sa Globe na gagamitin ng kanilang grupo sa meat processing at retailing.
Ang isa pang pinagkalooban ng grant ay ang Kapitan Bayanan 3 ng Bayanan, San Pascual, Batangas na tumanggap ng P 20,000 upang higit na payabungin ang kanilang home care products business na kinabibilangan ng paggagawa ng dishwashing liquid, fabric conditioner at powder detergent. Sila ay may 17 housewives na myembro.
Lubos ang pasasalamat ng grupo sa natanggap nilang ayuda mula sa Globe. Malaking tulong anila ang naturang halaga sa kanilang pamumuhay at pangangailangan.
May 15 micro entrepreneurs ang pinagpilian ng Globe upang pagkalooban ng nabanggit na livelihood grant. Naging criteria sa pagpili ang financial viability ng proyekto, community benefit at innovation.
Ang Globe BridgeCom livelihood grants ay ipinagkakaloob sa lahat ng Kapitan Centers na pawang bangko Kabayan micro-finance groups.
Kagaya ng Globe, ang Bangko Kabayan ay masigasig na nangunguna sa sa pagtulong sa mga maliliit na negosyo sa micro financing program nito. Sa kasalukuyan, ito ay nagkakaloob ng microfinance loans ta halos 9000 kliyentesa may kabuuang loan portfolio ng P100 milyon. Ito ay may kabuuang 50,000 kliyente sa kasalukuyan.
Dumalo din sa isinagawang media briefing na isinagawa sa Batangas Country Club noong August 13 sina DTI Provincial Director Ruel Gonzales, Jim Fraginal ng G-Change Inc at Teresa Ganzon ng Bangko Kabayan. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)