Kilala man ang bayan ng San Juan, Batangas bilang isa sa mga madalas dayuhin ng mga turista dahil sa angking ganda ng mga beaches dito, ay dinarayo rin ng mga migratory birds partikular sa Brgy. Pinagbayanan tuwing buwan ng Enero at nananatili ang mga ito hanggang Marso . Pagpasok ng winter season ay madalas silang pumupunta dito upang maghanap ng makakain at magparami.
Kaya naman nagpupunta rin dito ang mga Wild Birds Photographers dahil iba-ibang klase ng mga ibon ang makikita dito. Ang ilan sa mga ito ay ang Purple Heron, Black Winged Stilts, Philippine Wild Ducks at marami pang iba.