Nakilala namin si Nico “Nica” Malamog dahil madalas syang imbitahin ng aking ama kapag may mga ipinagdiriwang na events ng aming pamilya. Tuwang tuwa sa kanya ang mga tao dahil bukod sa galing nya sa pagkanta ay napakabait din niya.
“Ang hindi ko makakalimutan na experience kasama ang aking ama noong nanalo ako sa San Isidro, Malvar, Batangas. Natubog kasi sya sa isang maliit na kanal at sa atin ay swerte ang kahulugan nito. Kitang kita ko ang saya sa kanyang mata ng ako ay manalo at yun ang bagay na hinding hindi ko makakalimutan sa kanya. Siya ang naturo sa akin kumanta dahil isa rin siyang kontesero noon. Maaga man syang nawala ay alam kong nariyan lamang siya sa aking tabi para sumuporta sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko.” – Nico “Nica” Malamog | Pandayo ng Sto. Tomas, Batangas.