Sa mga kuhang larawan ni John Carlo Bagas Avelida nitong ika-8 ng Hunyo, 2020 mula sa Tagaytay ay mapapansin na unti unti nang tumutubo ang mga halaman at puno sa Bulkang Taal.
Matatandaang pumutok ang bulkang Taal noong ika-12 ng Enero, 2020 at hanggang ngayon nga ay nasa alert level 1 pa din ito at nakakaramdam pa din tayo ng mangilang ngilang volcanic earthquakes.
Ayon kay John Carlo Bagas Avelida, masaya syang makita na unti unti nang tumutubo ang mga halaman at puno sa bulkan. Para sa kanya isa itong magandang sensyales na nangangahulugan ng bagong pag-asa at simula para sa mga taong nakapaligid sa bulkan.
Larawang kuha ni John Carlo Bagas Avelida
One comment
Pingback: Pagtan'aw sa Bulkang Taal mula sa Tagaytay | WOWBatangas.com - Ang Official Website ng Batangueño