Patuloy mam ang pag angat at pag ganda ng Syudad ng Tanauan ay patuloy pa din nito pinepreserba ang mga natatagong yaman nito. Tulad na lamang ng Balete Eco-Park Falls na matatagpuan sa Banjo West, Tanauan, Batangas. Upang marakating dine mula Manila o Batangas City, maaaring bumaba sa Ramonita o 216 saBrgy Darasa, pagkatapos ay sumakay ng tricycle ay magpababa sa Balete Eco-Park. Aabutin ng 15 minuto ang byahe patungo dito. Ibababa kayo sa isang waiting shed at duon magsisimula ang trekking bagamat kaunti lamang ang sementadong daan ay madali lamang naman itong puntahan. Pagkatapos ng bahagyang nakakahapong trekking ay mayroong makikitang Century Old Balete Tree na syang pinagbatayan ng ngalan nito at sa baba nito ay may dumadaloy na malinis na ilog. Konting uphill trek pa at mararating nyo din ang Waterfalls.
Check Also
Multi-Agency Effort Puts Up Mango and Calamansi Processing Facility in Tanauan City, Batangas
Magsasakang Tanaueño Agricultural Marketing Cooperative (MTAMC) is the recipient of the newly inaugurated processing facility …