Dahil Labor Day bukas, wala na namang pasok ang karamihan sa mga may trabaho sa bansa (maliban na lang sa mga BPO companies na hindi base sa Philippine calendar ang non-working holidays).
Maaaring sa henerasyon natin ngayon, naiiba na ang kahalagahan nito. Baka nga konti lang ang nakakaalam ng makabuluhang dahilan bakit naging holiday ang May 1, kung bakit may Labor Day.
Kasi sa mga nagdaang taon, ang Labor Day ay ginugunita sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang protesta ng mga labor groups para ma-express ang kanilang mga hinaing sa gobyerno. Minsan lang hindi ko makuha yung point ng mga raliyista. Well, salamat na rin sa kanila kasi at least nalalaman natin na ganito at ganyan ang problemang kinakaharap nila.
Sana ganun na lang, i-express nila ang mga hinaing nila pero wala na sanang kung ano-ano pang paninisi sa kung sino-sino. Parang nakakatorete lang. Pasintabi sa mga kinauukulan. Yun lang.
Sa Pilipinas, unang ginunita ang Labor Day noon 1903 kung saan halos isang daan libong manggagawa na tinipon ng Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF) ang nagmartsa papuntang Malacañang para hilingin ang mas maayos na pagpapatrabaho sa mga Pilipino. Nasa ilalim pa ng panahon ng mga Amerikano nung nangyari yun kaya nagulantang ang mga Kano at ipinahuli si Dominador Gomez, presidente ng UODF, dahil sa illegal assembly.
At sa kanila nagsimula ang Labor Day sa Pilipinas na kinamulatan ng lahat.
For I-don’t-know-how-much-percentage-of-the-Philippine-population, May 1 is another red letter day on our calendar. For whatever percentage of Filipinos, May 1 is another day to spend on a daycation (one day vacation) in their favorite resort or shopping mall.
May 1 signifies the hardships of laborers. Kung alam mo ang kahalagahan ng mga manggagawa sa ating bansa, dapat alam mo rin ang halaga ng Mayo uno.
Let’s thank them. In days where something is commemorated, a little thank you and appreciation still matter. At sa mga susunod na araw, maging mabait at patas tayo sa mga manggagawa. Ituring silang mahalagang bahagi ng workforce ng Pilipinas.
Photo: dadaarchive.chicago.indymedia.org